Ticker

6/recent/ticker-posts

Problema: Solusyon

 Problema: Solusyon

ni: Maria Angelica Berdolaga (B.A.M.)


1 Mundo'ybinabalot ng kaguluhan

Nang dahil sa iba't ibang kaganapan

Partikular narito ang pandemya

Na kinahaharap ng maraming bansa


2 Sa birus ay hindi  rin nakaligtas

Ang ating bansang kungtawagi'y Pilipinas

Kaya't mga batas ay kaliwa't kanan

Na ipinatutupad ng ating pamahalaan


3 Paglabas ay ipinagbabawal na

Upang sakit ay 'di na kumalat pa

Ngunit mga tao'y matitigas ang ulo

Kaya't gigil tuloy ating pangulo



4 "Shoot to kill" ang kaniyang sinabi

Kaya naman umalma ang nakararami

Lalo't nang makisabayang mga artista

Sa "batas hindi dahas" na kanilang protesta


5 Idagdag pa ang 'di mabilang na reklamo

Na ibinabato sa ating gobyerno

Mga mamamaya'y panay hanap sa pondo

Na baka raw ay ibinulsa na ng mga politiko


6 Dagdag pa'y patalsikin sa puwesto

Ang kasalukuyan nating pangulo

At kaniya-kaniya sila ng pambato

Na mulasa iba't ibang mga partido


7 Teka, teka, ano bang problema?

Diba't pangulo nama'y may ginagawa

At hindi lamang basta nakatunganga

Dahil hangad niya'y kaligtasan ng masa


8 Siya lamang ay naghihigpit

Upang tayo'y 'di lalong maipit

Sa paghihirap na ating sinasapit

At nangmakaiwas sa lalong pagkagipit


9 Hay naku! Kaydaming naglipanang hurado

Sa kaganapang nagaganap sa mundo

Akala mo ay kung mga sino

Panay salita at dagdagan pa ng reklamo


10 Mayroon ding binigyan na't lahat-lahat

Nagrereklamo pang hindi sapat

Bakit hindi na lang magpasalamat?

Dahil ang nabigya'y hindi lahat


11 Anggulo, sobra pa sasobra

Problema'y dinaragdagan ng ibang problema

Kaya't tuloy tayo'y walang pagkakaisa

Dahil tayo'y kulang sa

pag-unawa


12 'Di lamang kulang sa pag-unawa

Kundi pati na rin sa disiplina

Gusto n'yo ba ng halimbawa?

Koko, pasok na!

13 Sa halip na manatili sa tahanan

Upang iba'y hindi niya mahawahan

Aba'y talagang gumala pa

At 'di man lang inisip kapakanan ng iba


14 Ako lang ba gusting mawakasan

Salot na veerus at paghihirap sa kasalukuyan?

Hindi ba't gusto mo rin ito

At ng lahat ng mga tao?


15 Kung gayo'y bakit 'di magtulungan

Upang problema'y masolusyonan

Tama na sa pagsisisihan

Dahil ito'y walang patutunguhan


16 Magkapit-bisig tayo,

Makiisa't sumunod sa gobyerno

Sa paglabas ay tumigil na;

Kalusugan ay ingatan na


17 Bawat isa ay makiisa,

Isipin kung anong magagawa

Maliit o malakingbagay man

Para sa kapakanan ng bayan



18 Sa mga taong tanging sarili ang nais iligtas,

Maging mga kurakot pati makasarili sa pamimili

Ayoko'y sa pagiging sakim ay umiwas

Baka makarma' t dapuan ng sakit na walang pinipili


19 Sa pag-unawa, hindi panghuhusga,

Pakikiisa, hindi pang-iisa

At disiplina na magmumula sa bawat isa

Tiyak na masosolusyonan ang bawat problema.


Post a Comment

0 Comments