Pula, Puti, Dilaw, at Bughaw 

Litratong kuha ni Rozeil Fabillar sa Luneta Park noong Oktobre 2019

ni Mikaila P. Fortaliza 

Isang araw ako'y napabalita 

Agad nabahala sa mga salita 

Bayrus na hatid ay pangamba 

Takot na nakagagambala 

Natuwa sa minsang pagsabi 

Walang pasok ng isang linggo 

Ngunit biglang nagbago 

Mga lugar ay nakakandado; 

GCQ, MECQ, ECQ, MGCQ 

Ako'y litong-lito 

‘Di ko mawari 

Sino nga ba sa amin ang sinto-sinto 

Samantalang ang iba ay magara 

Parami nang parami ang kumukulong sikmura Ayuda ay kakarampot na pera 

Mga tao ay napapamura 

Ang babala 

Bawal lumabas, bawal ang pasaway 

Ang lumabag ay mapaparusahan 

Ngunit bakit tila ang implementasyon ay pili lamang? 

Nagpupunas ng pawis at nag-uunat ng likod, tinatanong ang mga sarili kung kaya pa? Kaya sapat ba ang hirap at tiyaga? 

Sa kakarampot na kinikita? 

‘Wag kalimutang maghugas ng kamay 

Isuot mo na rin ang mask at face shield nang sabay Dahil ito'y nakapagliligtas ng buhay 

Wika ng ekspertong handang mag-alay ng buhay 

Ngunit singbagsik ni Goliath si Covid 

Handa na ang tali at bato 

Subalit hindi pa namin mahanap si David, kanino na lamang kami kakapit?